Showing posts with label 2010 elections. Show all posts
Showing posts with label 2010 elections. Show all posts

Wednesday, September 9, 2009

CHIZ & I: EPIC FAIL! (ANG VIRAL AD)

It's almost been a month since my last post. I intend not to post anytime soon because politics and everything around it has been rather boring and passe... Tipong, "yan na naman?" "napanood ko na yan..." but my mind changed when I spoke with Santino earlier this morning.

Santino: Kuya! Kinausap ako ni Senator Chiz
noong nakaraang linggo. Binigyan niya ako ng apat na boteng pili nut at isang kalderong kandingga kapalit ng pagkuha niya sa akin bilang special effects consultant para sa commercial niya na shinooting namin noong nakaraang Miyerkules.

Pansit Love: Ano naman ang ginawa mo?

Santino: Basta secret yun! Pero para siyang kamehame wave. Hihihi! Sana nga hindi magalit si Bro kasi hindi ko pinagpaalam sa kanya. Nagsisisi nga ako, kasi hindi ko naman alam na maanghang yung kandingga.

Pansit Love: Patay kang bata ka.




Tanggapin man ninyo o hindi, trapo ang taong bida sa videong ito.
Kung ang dahilan ninyo para iboto si Chiz Escudero sa pagkapangulo ay
dahil wala kayong dahilan para hindi siya iboto, ngayon,
mga Binibini at mga Ginoo...

Yan na ang dahilan na hinahanap ninyo.

We don't need a hero.
We don't need a saint.
We don't need a barkada and a pare.
WE NEED A LEADER.

Monday, August 17, 2009

JINGGOY & I: EPIC FAIL! (ANG WEBSITE)

Sa isang inuman session sa isang beerhouse sa ilalim ng LRT 2 sa San Juan. Magkakasama sina Senator Jinggoy Estrada, ang blogger na si PansitLove at ang computer expert na nagtratrabaho kay Jinggoy na si MasterKing.

PansitLove: Senator! Ayos yang bagong laruan mo ha. Kumikinang-kinang pa.

Jinggoy: 13 inches MacBook Pro yan pare koy! Buti may WiFi dito, ipapakita ko sayo kung bakit ko binili tong laptop na 'to.




Jinggoy: Ta-daaaahn! Angas di ba? Tsaka ewan ko ba sa ibang unga na papangalanan pa yung website nila ng AKALAMO, pano malalaman na siya yun, paano kung maling akala yung mga bumibisita dun? Wahahaha!

PansitLove: Senator, parang may mali, "No items exist in this category" sa "Bills enacted into Law" mo? MasterKing, bakit walang nakalagay, namadali mo ata.

Jinggoy: Ano yung mali na sinasabi ni PansitLove, MasterKing?

MasterKing: Ah Senator, wala po. Lahat ng instructions ninyo sa akin sinunod ko to the letter.

(sabay bulong kay PansitLove)

MasterKing: Hindi mehn. Talagang walang nakalagay diyan. At ang sabi niya, ipagdiinan ko daw na kasing galing siya ng erpats niya nung nanunungkulan pa ito...

PansitLove: Anong pagkakaintindi mo dun? Na walang kakwenta-kwentang pulitiko ang mag-ama dahil wala naman magandang mabuting nagawa sa bayan kundi magpapogi, sisihin si FVR kung bakit hindi sila mapatakbo ng maayos ang gobyerno at mangubra sa jueteng operations dito sa Pilipinas?

MasterKing: Ikaw ang may sabi niyan, mehn, hindi ako...


Tuesday, July 21, 2009

BAYANI & I: EPIC FAIL




























(i-click ang piktyur para jumambo)



Sabi ni Bayani "BF" Fernando, "Marikina: Singapore ng Asia"

Ang tanong ko naman, "Di ba ang Singapore ng Asia... ay Singapore?"

This is a photo of a "Bayani for President Movement" newsletter entitled "Tinig ng mga Bayani". This was distributed to the people of Tondo early this morning. I have nothing against this kind of marketing strategy pero please naman, kung hindi ninyo kaya kumuha ng magaling na newsletter editor, kumuha naman kayo ng writer na may common sense.

If this blundder is what they call "Ang Alamat ni Bayani", anak ng mga gahiganteng janitor fish sa Marikina River! ito ay isang: (with a big big voice)... EPIC FAIL!!!



...tapos... pagkatapos nun...



Patutsada ko kay BF, "Sibakin mo nga yung project head ng newsletter mo. Siguradong nangick-back yan sa budget. Biruin mo ba naman ang kunin na writer eh lasinggero, "Fundador Soriano". Pangalan na pangalan palang, tomador na."

Sagot naman ni BF, "Alam mo mehn, ang CORNY mo! At blunder yun, hindi blundder. Mali spelling mo, tanga!"


Friday, July 17, 2009

MY CONTRIBUTION TO THE 2010 ELECTIONS

People, amoy pera na naman ang simoy ng hangin, this means only one thing: malapit na ang ating much awaited event every 6 years, ang Philippine Presidential Elections! Ever since I started writing political commentaries on the web, lagi kong inaadvocate exercise of our right to vote (ano ba yung isang high-polluting word na laging sinasabi ni Rep. Locsin, saperage?)

As a contribution to this upcoming 2010 elections, I decided to write a series of blogs highlighting the recent small booboos of our kagalang-galangs. Sabihin siguro ng iba, "Maninira ka lang ng kandidato, wala ka naman maitutulong talaga" Sagot ko diyan, I beg to disagree. Kung maiha-highlight ko ang mga ito, lets just say, na ang mga ito ay magiging makabago at kakaibang pananaw kung paano dapat natin tignan ang elections at ang mga ways kung paano magpaandar ng campain ang ating mga presidential hopefuls.

Magiging mukha lang siyang joke-time, pero pickapin naman ninyo yung kahit na katiting na kabutihan na makukuha ninyo sa mga isusulat ko sa susunod na mga araw.

Ang title ng series na ito ay "(insert name of presidentiable) & ME: EPIC FAIL"

So ano, simulan na natin!:



Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Wedding Dresses. Powered by Blogger