Saturday, August 1, 2009

ANO ANG "CORY AQUINO" PARA SA AKIN


"All I can suggest is to forget about yourself and just think of your people. It's always the people who make things happen." - President Corazon C. Aquino, 1933-2009

Madalas kong naninilay kung gaano kaiba ang buhay ko bilang bata kumpara sa aking mga kaibigan and how important roles the name "Cory Aquino" played during the latter part of the 80's when I was growing up in the streets of Sta. Mesa, Manila. Bukod sa mga balita ng kudeta, madalasang mga power outage at destabilisasyon sa gobyerno, I remember the name "Cory Aquino" bilang simbulo ng pag-restore ng demokrasya sa isang payapang paraan. But over and above her accomplishments and shortcomings as a leader and as a symbol of peace and democracy, ang hindi ko makakalimutan kapag nababanggit ang pangalang "Cory Aquino" ay ang mga salitang "Bagong Simula". Isa ang aking pamilya na napagkalooban ng panibagong simula sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa na maituturing na sa amin.

Bilang isang miyembro ng isang mahirap na pamilya na naninirahan sa isang bahay na nakatayo sa ibabaw ng sapa na 4 na maninipis na troso lang ang pundasyon, ang Tita Cory and her administration brought significant change in our lives. Sabi nga sa isang commercial ni idol Robin Padilla, "kailangan lang ng break" and having our own piece of land to call our own was the break our poor family was waiting for.

Pagkaupo niya bilang Pangulo nung 1986, nagsimulang tambakan ng lupa ang sapa at lumaon ay nakuha din ang titulo ng lupa kung saan nakatirik ang aming bahay.

Bago kami lumipat sa Tondo noong 1991, it was 1986, I was 5 years old, living in one of the most impoverished part of Manila, less than 10 minutes away from Malacañang and 15 minutes away from EDSA and Ortigas (wala pa ata kasing gaanong traffic noon). I remember my parents coming home na may indelible ink sa hinlalaki pagkatapos bumoto. Feeling ko it was during the snap elections. Naaalala ko pa na Daddy used to collect a lot of Cory and Doy stickers na dinidikit niya sa ibabaw ng switch ng ilaw sa labas ng bahay. Leaders of the local informal settler's organization, both my parents rallied for the support of our neighbors para kay Cory at Doy. Sumasama sila sa mga civil disobedience na yan at mga talks ng mga opposition leader na ginaganap sa lugar namin. Unfortunately, kahit na ganun sila kaactive, both of them opted to stay home and monitor the situation sa radyo as the People Power Revolution of '86 happens. During that time nga, every 10 minutes ata, may choppers or tora-tora na dadaan sa ibabaw ng community namin. Kung naalala ko maigi, yung mga naka-dilaw na kapit-bahay namin na mga member ng Cory and Doy Fans Club, kasama ang tatay ko, ay nagsagawa ng street party na natapos 2 araw after the successful take-over ng mga tao ang Malacañang at naexile si Marcos. Pero yun nga lang, dalawang araw din atang nagchicheer ng "Cory! Cory! Cory!" ang mga nagstreet party sa amin.

A new government was put to power, Tita Cory was President and our new life started bilang isang family na meron ng sariling tahanan.

Hindi ko pa maintindihan ang kahalagahan ng lahat ng nangyayaring noon. Bata pa kasi ako. P2.50 pa lang ang 8oz na bote ng Coke, pero ngayon, 23 years after EDSA, alam ko na:

Alam ko na kung hindi dahil sa pangalang "Cory Aquino" at sa mga bagay na nagawa nito para sa buhay ko bilang isang batang nakatira sa bahay na nakatayo sa ibabaw ng sapa na 10 minutes away from Malacañang and 15 minutes away from EDSA, hindi ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon and you are one of the reasons why I am proud to be a Filipino.

Salamat Tita Cory. Paalam. Hindi ka namin malilimutan.




0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Wedding Dresses. Powered by Blogger