I really don't intend to be so serious about anything in this blog because Philippine politics, though deliriously hilarious, is serious in nature. Chill lang ako palagi. But a reaction about my entry "CHIZ & I: EPIC FAIL (ANG VIRAL AD)" compelled me to give a reaction na salubong ang kilay at nakakunot ang noo. Ibang level.
Dallin, the blogger of "Team Chiz Tarlac Chapter" gave a superdooper reaction about my blog entry. It was so serious and so defensive that I'm sure she'll get a cabinet post if her Hero wins the Presidency. Lorelai Fajardo's post, perhaps. Hehehe!
At siyempre my reaction:
Dear Dallin,
thank you for visiting my blog. i'm oh so sorry that it took me almost two months to notice that i have a comment. buena mano ka kasi. hahaha!
it is such a happy thing to see when a person fight for what he or she believes in with such passion, without remorse or even sense of humor... just like what you did. i love it.
but it becomes annoying and heartbreaking at times when people get too passionate when they hear mga mabulaklak na salita such as "help you help yourselves" "build a nation" "uplift our moral obligations and a receding economy" and words alike. Talagang sige, bigay hilig!
These are the same people who cling to hope but show no understanding whatsoever.
What we don't realize is the fact that these are all motherhood statements. They don't come with concrete plans of action. Unfortunately, these words are also the words used by presidential wannabies who lack vision. They use those words for convenience because "para sa masa" is sooooo 1998.
The question is always WHAT and not WHO
Ano ang plataporma de gobierno niya? Simple lang ang tanong di ba?
Another thing,
I'm sure with your enthusiasm and your belief in your candidate, it would be almost impossible for you to change your mind, fortunately, i'm not interested in doing that. I just hope that your leader can learn from you. I hope he learns the value of fighting for what he believes in...and actually DOING SOMETHING for it, no matter how inconvenient it may be and not cover it with innocuous words for him not to offend anyone.
Halos isang dekada ng kaalyado ng administrasyon ang NPC, bakit naunahan pa siya ni Gibo to volt out.
And besides, kung nagpatuloy ang pag-upo ni ERAP sa MalacaƱang malamang kontrabida ang magiging tingin mo sa kandidato mo, pwera na lang kung maka-ERAP ka din. Pero dahil mas malala ang pumalit kay ERAP, mala-WAPAKMAN ang kandidato mo at may kamehame wave pa.
And my dear Dallin, I DON'T NEED A CANDIDATE to inspire me to help build our nation. i've been advocating for responsible and informed voting election season in, election season out. and this is doing my part to help build this nation... among other things.
ikaw? ano na ang nagawa mo? nagtatanong lang.
Good times!
Yours, truly,
PansitLove
PS. May regalo ako sayo. Sabi ni ng Hero mo, deins daw kelangan ituro ang trigonometry sa elementary at highschool kasi nakakabigat lang sa bag at deins naman nila kailangan yun kapag bibili ng suka sa tindahan.
Tuesday, November 10, 2009
Chiz's Fan, Team Chiz Tarlac Chapter & Me: Seryoso ba kayo?
Labels: chiz escudero, chiz escudero tarlac chapter, presidentiables
Posted by PANSITLOVE at 12:27 AM 0 comments
Wednesday, September 9, 2009
CHIZ & I: EPIC FAIL! (ANG VIRAL AD)
Labels: 2010 elections, chiz escudero, epic fail, local pulpol-itics, presidentiables
Posted by PANSITLOVE at 7:12 PM 4 comments
Monday, August 17, 2009
JINGGOY & I: EPIC FAIL! (ANG WEBSITE)
Labels: 2010 elections, jinggoy estrada, local pulpol-itics, philippine senate, websites
Posted by PANSITLOVE at 2:27 PM 0 comments
Wednesday, August 12, 2009
KABAYAN & I: EPIC FAIL (MANG-AAGAW NG PWESTO)
Before the mass sa Manila Cathedral in para kay Tita Cory matagal-tagal din na antayan ang dinanas namin ni Lolo FVR. There were a lot of famous personalities from different fields to pay their last respects to one of the country's most influencial and well-loved figure. Si Tita Cory nga.
Nakakaoverwhelm nga na a Head of State was present at that time kahit na hindi state funeral. Walang proto-protocol para sa mamang yun. Basta makita niya ang idol niyang si Cory sa huling pagkakataon. Siya si Jose Manuel Ramos-Horta. President ng East Timor (Timor Leste).
(Hindi tulad nung galing New York. Bastos na nga. Nambabastos pa)
Lolo FVR, with his unlit tabacco, introduced me to President Horta and stressed that they were not related. Obviously, tisoyin si Ramos-Horta.
May naalala nga pala si FVR:
FVR: Dumagas ka diay Alabang diay balay tapno mangala ka ti buggu-ong. Ado. Kaggakgappok diyay San Manuel edi Domingo.
Pansitlove: Wen Apong.
Mayamaya pay dumating si Kabayang Noli de Castro. Mukhang ngarag at nagmamadaling makakuha ng magandang seat. Siyempre Lolo FVR introduced President Ramos-Horta to Kabayan.
Sabi ni FVR: Mr. Vice President, let me introduce you to Mr. Jose Ramos-Horta, the President of the Democratic Republic of Timor-Leste. He is one of...
Ang dinig naman ni Kabayan: Mr. President, let me introduce you to Mr. Jose Ramos... yada yada yada... kelangan ko makuha yung pwesto malapit kay tabako... yada yada yada...
So alam na ninyo siguro ang kasunod? Tinulak ni Kabayan ... OO! TINULAK NIYA!!!... ng kanyang dalawang kamay! Sino?! Sino pa ba? Eh di si Jose Ramos-Horta!!! At bakit? Para makatabi si Lolo FVR!!!
Ang saya-saya, noh?
Hmmm... ah... I just kept quiet at binusalan ko na lang yung bibig ko ng tabako na na-arbor ko kay Lolo FVR.
Tapos... pagkatapos nun...:
PansitLove: Apong, apay ta induron ni Kabayan ni President Ramos-Horta? Gustong tumabi sa inyo?
FVR: Diak amo. Siguro krash nak. Wahahaha!
Nacurious si FVR, so tinanong niya si Kabayan:
FVR: Oist Noli, bakit mo naman isiniwasiw si President Ramos-Horta. Baka nakunan ka sa camera ng ABS-CBN niyan. Nakakahiya.
Sagot naman si Kabayan:
Labels: jose ramos-horta, kabayan, local pulpol-itics, lpolitiks, noli de castro. cory aquino
Posted by PANSITLOVE at 3:08 PM 0 comments
Saturday, August 8, 2009
PANSITLOVE: NATIONAL ARTIST 2009
Yesterday, I received a letter from Sec. Cecilia Guidote-Alvarez, Executive Director of the National Commission for Culture and the Arts, informing me about my late addition to the list of the names that will be given the title "Pambansang Alagad ng Sining" or the "National Artist Award"
Kaya nga I was shocked. National Artist ako!
Maitanong ninyo kung ano ba yang nasyo-National Artist Award na yan, aber? Yun lang naman kaya ang pinakamataas na uri ng parangal na pwedeng ibigay sa isang Filipino Artist. Biruin mo yun, ako National Artist? Eh di ba may cash gift yun? Mababayaran ko na yung ibang mga utang ko!!!
The letter though was kinda insulting (ipangalandakan bang wala man lang daw akong naiambag na kabutihan sa larangan ng sining at kultura!? Marunong naman ako mag-Photoshop tsaka may socio-political cultural blog ako ha! Di ba, culture and arts yun?) but nonetheless, I AM A F*CKING NATIONAL ARTIST!!! BEAT THAT SH*T, YAH!
Dahil nga baon ako sa utang at wala akong pambili ng scanner, pinityuran ko na lang yung letter ni Sec. Alvarez:
Oh, the letterhead reads NCCA, National Commission for Culture and the Arts, sa saling-Filipino, Pambansang Kumisyon para sa Kultura at Mga Sining. The letter was handwritten and was addressed to... ahem!... yours truly lang po naman.
The first paragraph reads that Ms. Alvarez wanted to inform me that I was included in the list of National Artist Awardees dahil daw ako ay isang "BIGATEN". I don't know kung ang ibig sabihin niya ay pwede akong sumali sa Willie of Fortune sa Wowowee o talagang matabang mama na masiba kumain (which, pagnagkataon, is pretty offensive, ha!).
Sabi din niya na ako daw ay handpicked ng ating mahal na Pangulo. Dagdag pa niya if it wasn't too late at kung hindi "epal si Chiz at yung Supreme Court Chief Justice na nakalimutan ko ang pangalan", PGMA could have added me to the list of nominees for the next Supreme Court Justice to be submitted by the Judicial and Bar Council. Sayang!!! Masaya pa naman magsuot ng robe at maghahahataw nung martilyo ng martilyo dun sa Supreme Court! Order in the court! Order in the court!
But Sec. Alvarez apologized because we will be awarded together with the film director who massacred everyone in his films, Carlo J. Caparas daw. Kung bakit siya humingi ng pasensya, deins ko alam mga pare koy.
(i-click nyo na lang yung pityur para mabasa yung letter maigi)
At siyempre, Sec. Alvarez signed the letter.
Moving ilong...
Ang alam ko, artists are nominated by their grassroots organization and peers. Nominees have to undergo a rigorous process with three (3) selection stages before the National Artists are named. There is this what they call a "Presidential Prerogative" na kung saan pwede magdagdag at bawas (kapag magaling magturo ang PUNO, matututo talaga ang bunga) ang ating Mahal na Pangulo ng mga names ng mga trips niyang artist. Sabi, si Mr. Manuel Conde (Film and Broadcast), si Prof. Lazaro Francisco (Literature) at si Maestro Alcuaz (Visual Arts, Painting, Sculpture and Mixed Media) eh mga dumaan sa process.
Yung iba, sinalimpusa na lang ni Madam. Hehehe! Pero kahit na di ba? Wala ng bawian. Touch-move!!!
Teka, sabi ko na nga, may katotohanan na sumali ang Ating Mahal na Pangulo sa aking PansitLove Fans' Club. Kaya siguro ako ginawang National Artist... Hmmm... Heto nga yung pityur (huling-huli sa camera!):
Maybe that's the reason why CCP people make ngawa a lot. Transactional politics daw? Eh hindi naman nakipagtransact ang Ating Mahal na Pangulo sa akin. Member siya ng fans' club ko. And maybe the reason she joined was bilib siya sa pagiging ma-sining ko. Hindi ba ninyo naisip yon?! Mga pulpol na to!
Oh di ba! Kayo lang eh! Masyado kasi kayong elitista! Hindi ninyo kayang respetohin na kaya rin ng isang galing sa masa na magkaroon ng ganitong parangal. Wag ninyo kaming pagtawanan at alipustahin. Parepareho na tayong mga National Artist ngayon mga ulu... Di ba, Carlo J. Caparas?
Labels: carlo j caparas, ccp, cecilia guidote-alvarez, national artist awards, ncca, nomination, pgma, presidential prerogative
Posted by PANSITLOVE at 2:20 AM 0 comments
Thursday, August 6, 2009
PAALAM PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. SALAMAT...
Sa kulturang Pilipino ay tinuruan tayo na masama ang maghangad ng masama sa kapwa. Pero naman, bakit ang mabubuting tao, kinukuha kaagad ni Lord, samantala, ang mga kampon ni Sata...urgh!... sa lupa... oh! Panginoon kong mahabagin... (ok rephrase, masyadong harsh) ...bakit ang mga masasamang taong yun ay parang pinagkalooban ng immortality o kaya naka-god mode parati? It has become really tiring to hope that someday, things would be oh so different.
Pero dapat tandaan natin not to underestimate the power of people who don't do nothing. Tambay lang, dahil sa ang mga tulad nila ay maaring makapagbigay sa atin ng pag-asa na lahat ng ipinagdadasal natin sa tuwituwina ay maaring matupad, kahit sa panandaliang panahon lamang.
Like in this picture, pinatikim sa atin kung paano naghahanda ang militar upang bigyang parangal si PGMA kung matigok siya. This was taken by a gifted bum who has nothing else to do but watch the ABS-CBN coverage of the Cory Aquino procession.
At minsan, pinagbibigyan din tayong magising sa ating mga inaasamasam na makamit at maisakatuparan, kahit na nakalathala lang ito sa maliit na bahagi ng umagang peryodiko.
This was taken from today's issue of the Manila Bulletin. Read the captions. Don't you wish that sometimes you were not taught by your parents not to think of evil thoughts against other people?
Easy way out sana. Hahaha! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ka aming mahal na Pangulong GMA!
Labels: abs-cbn, corazon aquino, gloria macapagal-arroyo, local pulpol-itics, the manila bulletin
Posted by PANSITLOVE at 4:05 PM 0 comments
Wednesday, August 5, 2009
WILLIE REVILLAME: AKO O SI TITA CORY?
Yesterday, I stumbled upon a clip from the August 3, 2009 episode of *Wowowee showing Willie Revillame asking the ABS-CBN Traffic to take down the coverage of Tita Cory's transfer from La Salle Greenhills to the Manila Cathedral, being simultaneously shown with his noontime show.
Revillame: "I don't think na dapat ipakita yan (ABS-CBN) management. Nahihirapan akong magsalita dito, nagpapasaya ako nakikita ko yung ano (referring to ABS-CBN's live coverage ng transfer ng remains ni Tita Cory from LSGH to the Manila Cathedral). Sana pakitanggal na muna yan."
(P***ngina! Buti nalang hindi ko napanood yan kundi nasaksak ko ng tabak ang TV ko ng di oras)
In fairness kay **WowoWillie, he was just stressing the point na medyo weird nga naman to show the live feed of Tita Cory's procession side-by-side sa nakakabobo... este nakapagpapasaya niyang programa.
We could also not deny ABS-CBN Management's lapse in judgement. It was really inappropriate to show a girl contestant stupidly dancing to the tune of "Nobody by Wodergirls" (na sobrang LSS) simultaneously with a tremendously mournful event such as Tita Cory's procession. May point nga naman siya, di ba?
Kaya nga halatang kulang na lang murahin ni **WowoWillie ang ABS-CBN, pero kudos to him, he kept his composure. He handled the situation like (maybe) how he handles every situation: Through simpleminded and stupid acts of egocentrism .
**WowoWillie could have asked his *Wowowee people to call ABS-CBN Traffic to convey his sentiments about the issue privately pero he opted to say it on national television. Ang saya-saya, noh?
Pero ganun talaga siguro, mas mabilis nga naman makukuha ang resulta kung bastusan (e)at Bulagaan (ay teka, yung kabilang show pala yun). This incident should be a lesson to ABS-CBN Management not to mess with *Wowowee, most importantly its host, **WowoWillie. Sige kayo, ABS-CBN, baka iwanan kayo niyan at lumipat sa ABC 5 at mabawasan ng kabobohan...este, kasayahan sa network ninyo.
Sa susunod lagi ninyong pagbigyan ang gusto ni **WowoWillie. Ok lang ipagpalit yung live feed ng pagbubunyi, gayon din ang pagluluksa, ng sambayanang Pilipino kay Tita Cory kasi nung nabubuhay pa ang dating pangulo, napasaya naman daw siya ng *Wowowee. And friends baka hindi ninyo natatanong, si **WowoWillie Revillame ang pinakamahalaga at pinakadakilang tao dito sa Pilipinas.
(Oh! Mga stupido! Tapos na ang blogpost ko! Pumalakpak na kayo! Ang malakas ang pagpalakpak, BIGATEN!)
Notes:
* - a critically acclaimed noontime variety show here in the Philippines. Critically acclaimed for its uncanny ability to produce enormous amounts of stupidity in a span of 2 hours, daily
** - Willie Revillame, a critically acclaimed noontime variety show host here in the Philippines. Critically acclaimed for his uncanny ability to make living, breathing, cheering simpletons out of his audiences and produce enormous amounts of bullshit in a span of 2 hours, daily. He abhors paying taxes and loves lipsynching.
Labels: abs-cbn, corazon aquino, corazon aquino dies at 76, cory, willie revillame, wowowee
Posted by PANSITLOVE at 10:54 PM 0 comments