Monday, August 17, 2009

JINGGOY & I: EPIC FAIL! (ANG WEBSITE)

Sa isang inuman session sa isang beerhouse sa ilalim ng LRT 2 sa San Juan. Magkakasama sina Senator Jinggoy Estrada, ang blogger na si PansitLove at ang computer expert na nagtratrabaho kay Jinggoy na si MasterKing.

PansitLove: Senator! Ayos yang bagong laruan mo ha. Kumikinang-kinang pa.

Jinggoy: 13 inches MacBook Pro yan pare koy! Buti may WiFi dito, ipapakita ko sayo kung bakit ko binili tong laptop na 'to.




Jinggoy: Ta-daaaahn! Angas di ba? Tsaka ewan ko ba sa ibang unga na papangalanan pa yung website nila ng AKALAMO, pano malalaman na siya yun, paano kung maling akala yung mga bumibisita dun? Wahahaha!

PansitLove: Senator, parang may mali, "No items exist in this category" sa "Bills enacted into Law" mo? MasterKing, bakit walang nakalagay, namadali mo ata.

Jinggoy: Ano yung mali na sinasabi ni PansitLove, MasterKing?

MasterKing: Ah Senator, wala po. Lahat ng instructions ninyo sa akin sinunod ko to the letter.

(sabay bulong kay PansitLove)

MasterKing: Hindi mehn. Talagang walang nakalagay diyan. At ang sabi niya, ipagdiinan ko daw na kasing galing siya ng erpats niya nung nanunungkulan pa ito...

PansitLove: Anong pagkakaintindi mo dun? Na walang kakwenta-kwentang pulitiko ang mag-ama dahil wala naman magandang mabuting nagawa sa bayan kundi magpapogi, sisihin si FVR kung bakit hindi sila mapatakbo ng maayos ang gobyerno at mangubra sa jueteng operations dito sa Pilipinas?

MasterKing: Ikaw ang may sabi niyan, mehn, hindi ako...


Wednesday, August 12, 2009

KABAYAN & I: EPIC FAIL (MANG-AAGAW NG PWESTO)

Before the mass sa Manila Cathedral in para kay Tita Cory matagal-tagal din na antayan ang dinanas namin ni Lolo FVR. There were a lot of famous personalities from different fields to pay their last respects to one of the country's most influencial and well-loved figure. Si Tita Cory nga.

Nakakaoverwhelm nga na a Head of State was present at that time kahit na hindi state funeral. Walang proto-protocol para sa mamang yun. Basta makita niya ang idol niyang si Cory sa huling pagkakataon. Siya si Jose Manuel Ramos-Horta. President ng East Timor (Timor Leste).


(Hindi tulad nung galing New York. Bastos na nga. Nambabastos pa)


Lolo FVR, with his unlit tabacco, introduced me to President Horta and stressed that they were not related. Obviously, tisoyin si Ramos-Horta.

May naalala nga pala si FVR:

FVR: Dumagas ka diay Alabang diay balay tapno mangala ka ti buggu-ong. Ado. Kaggakgappok diyay San Manuel edi Domingo.

Pansitlove: Wen Apong.

Mayamaya pay dumating si Kabayang Noli de Castro. Mukhang ngarag at nagmamadaling makakuha ng magandang seat. Siyempre Lolo FVR introd
uced President Ramos-Horta to Kabayan.

Sabi ni FVR: Mr. Vice President, let me introduce you to Mr. Jose Ramos-Horta, the President of the Democratic Republic of Timor-Leste. He is one of...

Ang dinig naman ni Kabayan: Mr. President, let me introduce you to Mr. Jose Ramos... yada yada yada... kelangan ko makuha yung pwesto m
alapit kay tabako... yada yada yada...

So alam na ninyo siguro ang kasunod? Tinulak ni Kabayan ... OO! TINULAK NIYA!!!... ng kanyang dalawang kamay! Sino?! Sino pa ba? Eh di si Jose Ramos-Horta!!! At bakit? Para makatabi si Lolo FVR!!!

Ang saya-saya, noh?

Hmmm... ah... I just kept quiet at binusalan ko na lang yung bibig ko ng tabako na na-arbor ko kay Lolo FVR.

Tapos... pagkatapos nun...:

PansitLove: Apong, apay ta induron ni Kabayan ni Pres
ident Ramos-Horta? Gustong tumabi sa inyo?

FVR: Diak amo. Siguro krash nak. Wahahaha!

Nacurious si FVR, so tinanong niya si Kabayan:

FVR: Oist Noli, bakit mo naman isiniwasiw si President Ramos-Horta. Baka nakunan ka sa camera ng ABS-CBN niyan. Nakakahiya.


Sagot naman si Kabayan:






Saturday, August 8, 2009

PANSITLOVE: NATIONAL ARTIST 2009

Yesterday, I received a letter from Sec. Cecilia Guidote-Alvarez, Executive Director of the National Commission for Culture and the Arts, informing me about my late addition to the list of the names that will be given the title "Pambansang Alagad ng Sining" or the "National Artist Award"


















Kaya nga I was shocked. National Artist ako!


Maitanong ninyo kung ano ba yang nasyo-National Artist Award na yan, aber? Yun lang naman kaya ang pinakamataas na uri ng parangal na pwedeng ibigay sa isang Filipino Artist.
Biruin mo yun, ako National Artist? Eh di ba may cash gift yun? Mababayaran ko na yung ibang mga utang ko!!!

The letter though was kinda insulting (ipangalandakan bang wala man lang daw akong naiambag na kabutihan sa larangan ng sining at kultura!? Marunong naman ako mag-Photoshop tsaka
may socio-political cultural blog ako ha! Di ba, culture and arts yun?) but nonetheless, I AM A F*CKING NATIONAL ARTIST!!! BEAT THAT SH*T, YAH!

Dahil nga baon ako sa utang at wala akong pambili ng scanner, pinityuran ko na lang yung letter ni Sec. Alvarez:

















Oh, the letterhead reads NCCA, National Commission for Culture and the Arts, sa saling-Filipino, Pambansang Kumisyon para sa Kultura at Mga Sining. The letter was handwritten and was addressed to... ahem!... yours truly lang po naman.


















The first paragraph reads that Ms. Alvarez wanted to inform me that I was included in the list of National Artist Awardees dahil daw ako ay isang "BIGATEN". I don't kn
ow kung ang ibig sabihin niya ay pwede akong sumali sa Willie of Fortune sa Wowowee o talagang matabang mama na masiba kumain (which, pagnagkataon, is pretty offensive, ha!).

Sabi din niya na ako daw ay
handpicked ng ating mahal na Pangulo
. Dagdag pa niya if it wasn't too late at kung hindi "epal si Chiz at yung Supreme Court Chief Justice na nakalimutan ko ang pangalan", PGMA could have added me to the list of nominees for the next Supreme Court Justice to be submitted by the Judicial and Bar Council. Sayang!!! Masaya pa naman magsuot ng robe at maghahahataw nung martilyo ng martilyo dun sa Supreme Court! Order in the court! Order in the court!

But Sec. Alvarez apologized because we will be awarded together with the film director who massacred everyone in his films, Carlo J. Caparas daw. Kung bakit siya humingi ng pasensya, deins ko alam mga pare koy.
















(i-click nyo na lang yung pityur para mabasa yung letter maigi)

At siyempre, Sec. Alvarez signed the letter.

Moving ilong...

Ang alam ko, artists are nominated by their grassroots organization and peers. Nominees have to undergo a rigorous process with three (3) selection stages before the National Artists are named. There is this what they call a "Presidential Prerogative" na kung saan pwede magdagdag at bawas (kapag magaling magturo ang PUNO, matututo talaga ang bunga) ang ating Mahal na Pangulo ng mga names ng mga trips niyang artist. Sabi, si Mr. Manuel Conde (Film and Broadcast), si Prof. Lazaro Francisco
(Literature) at si Maestro Alcuaz (Visual Arts, Painting, Sculpture and Mixed Media) eh mga dumaan sa process.

Yung iba, sinalimpusa na lang ni Madam. Hehehe! Pero kahit na di ba? Wala ng bawian. Touch-move!!!


Teka, sabi ko na nga, may katotohanan na sumali ang Ating Mahal na Pangulo sa aking PansitLove Fans' Club. Kaya siguro ako ginawang National Artist... Hmmm... Heto nga yung pityur (huling-huli sa camera!):


















Maybe that's the reason why CCP people make ngawa a lot. Transactional politics daw? Eh hindi naman nakipagtransact ang Ating Mahal na Pangulo sa akin. Member siya ng fans' club ko. And maybe the reason she joined was bilib siya sa pagiging ma-sining ko. Hindi ba ninyo naisip yon?! Mga pulpol na to!

Oh di ba! Kayo lang eh! Masyado kasi kayong elitista! Hindi ninyo kayang respetohin na kaya rin ng isang galing sa masa na magkaroon ng ganitong parangal. Wag ninyo kaming pagtawanan at alipustahin. Parepareho na tayong mga National Artist ngayon mga ulu... Di ba, Carlo J. Caparas?


Thursday, August 6, 2009

PAALAM PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. SALAMAT...

Sa kulturang Pilipino ay tinuruan tayo na masama ang maghangad ng masama sa kapwa. Pero naman, bakit ang mabubuting tao, kinukuha kaagad ni Lord, samantala, ang mga kampon ni Sata...urgh!... sa lupa... oh! Panginoon kong mahabagin... (ok rephrase, masyadong harsh) ...bakit ang mga masasamang taong yun ay parang pinagkalooban ng immortality o kaya naka-god mode parati? It has become really tiring to hope that someday, things would be oh so different.

Pero dapat tandaan natin not to underestimate the power of people who don't do nothing. Tambay lang, dahil sa ang mga tulad nila ay maaring makapagbigay sa atin ng pag-asa na lahat ng ipinagdadasal natin sa tuwituwina ay maaring matupad, kahit sa panandaliang panahon lamang.


Like in this picture, pinatikim sa atin kung paano naghahanda ang militar upang bigyang parangal si PGMA kung matigok siya. This was taken by a gifted bum who has nothing else to do but watch the ABS-CBN coverage of the Cory Aquino procession.





















At minsan, pinagbibigyan din tayong magising sa ating mga inaasamasam na makamit at maisakatuparan, kahit na nakalathala lang ito sa maliit na bahagi ng umagang peryodiko.

This
was taken from today's issue of the Manila Bulletin. Read the captions. Don't you wish that sometimes you were not taught by your parents not to think of evil thoughts against other people?



























Easy way out sana. Hahaha! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ka aming mahal na Pangulong GMA!




















Wednesday, August 5, 2009

WILLIE REVILLAME: AKO O SI TITA CORY?

Yesterday, I stumbled upon a clip from the August 3, 2009 episode of *Wowowee showing Willie Revillame asking the ABS-CBN Traffic to take down the coverage of Tita Cory's transfer from La Salle Greenhills to the Manila Cathedral, being simultaneously shown with his noontime show.



Revillame: "I don't think na dapat ipakita yan (ABS-CBN) management. Nahihirapan akong magsalita dito, nagpapasaya ako nakikita ko yung ano (referring to ABS-CBN's live coverage ng transfer ng remains ni Tita Cory from LSGH to the Manila Cathedral). Sana pakitanggal na muna yan."

(P***ngina! Buti nalang hindi ko napanood yan kundi nasaksak ko ng tabak ang TV ko ng di oras)


In fairness kay **WowoWillie, he was just stressing the point na medyo weird nga naman to show the live feed of Tita Cory's procession side-by-side sa nakakabobo... este nakapagpapasaya niyang programa.

We could also not deny ABS-CBN Management's lapse in judgement. It was really inappropriate to show a girl contestant stupidly dancing to the tune of "Nobody by Wodergirls" (na sobrang LSS) simultaneously with a tremendously mournful event such as Tita Cory's procession. May point nga naman siya, di ba?

Kaya nga halatang kulang na lang murahin ni **WowoWillie ang ABS-CBN, pero kudos to him, he kept his composure. He handled the situation like (maybe) how he handles every situation: Through simpleminded and stupid acts of egocentrism .

**WowoWillie could have asked his *Wowowee people to call ABS-CBN Traffic to convey his sentiments about the issue privately pero he opted to say it on national television. Ang saya-saya, noh?

Pero ganun talaga siguro, mas mabilis nga naman makukuha ang resulta kung bastusan (e)at Bulagaan (ay teka, yung kabilang show pala yun). This incident should be a lesson to ABS-CBN Management not to mess with *Wowowee, most importantly its host, **WowoWillie. Sige kayo, ABS-CBN, baka iwanan kayo niyan at lumipat sa ABC 5 at mabawasan ng kabobohan...este, kasayahan sa network ninyo.

Sa susunod lagi ninyong pagbigyan ang gusto ni **WowoWillie. Ok lang ipagpalit yung live feed ng pagbubunyi, gayon din ang pagluluksa, ng sambayanang Pilipino kay Tita Cory kasi nung nabubuhay pa ang dating pangulo, napasaya naman daw siya ng *Wowowee. And friends baka hindi ninyo natatanong, si **WowoWillie Revillame ang pinakamahalaga at pinakadakilang tao dito sa Pilipinas.




(Oh! Mga stupido! Tapos na ang blogpost ko! Pumalakpak na kayo! Ang malakas ang pagpalakpak, BIGATEN!)




Notes:
* -
a critically acclaimed noontime variety show here in the Philippines. Critically acclaimed for its uncanny ability to produce enormous amounts of stupidity in a span of 2 hours, daily
** - Willie Revillame,
a critically acclaimed noontime variety show host here in the Philippines. Critically acclaimed for his uncanny ability to make living, breathing, cheering simpletons out of his audiences and produce enormous amounts of bullshit in a span of 2 hours, daily. He abhors paying taxes and loves lipsynching.




Saturday, August 1, 2009

ANO ANG "CORY AQUINO" PARA SA AKIN


"All I can suggest is to forget about yourself and just think of your people. It's always the people who make things happen." - President Corazon C. Aquino, 1933-2009

Madalas kong naninilay kung gaano kaiba ang buhay ko bilang bata kumpara sa aking mga kaibigan and how important roles the name "Cory Aquino" played during the latter part of the 80's when I was growing up in the streets of Sta. Mesa, Manila. Bukod sa mga balita ng kudeta, madalasang mga power outage at destabilisasyon sa gobyerno, I remember the name "Cory Aquino" bilang simbulo ng pag-restore ng demokrasya sa isang payapang paraan. But over and above her accomplishments and shortcomings as a leader and as a symbol of peace and democracy, ang hindi ko makakalimutan kapag nababanggit ang pangalang "Cory Aquino" ay ang mga salitang "Bagong Simula". Isa ang aking pamilya na napagkalooban ng panibagong simula sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa na maituturing na sa amin.

Bilang isang miyembro ng isang mahirap na pamilya na naninirahan sa isang bahay na nakatayo sa ibabaw ng sapa na 4 na maninipis na troso lang ang pundasyon, ang Tita Cory and her administration brought significant change in our lives. Sabi nga sa isang commercial ni idol Robin Padilla, "kailangan lang ng break" and having our own piece of land to call our own was the break our poor family was waiting for.

Pagkaupo niya bilang Pangulo nung 1986, nagsimulang tambakan ng lupa ang sapa at lumaon ay nakuha din ang titulo ng lupa kung saan nakatirik ang aming bahay.

Bago kami lumipat sa Tondo noong 1991, it was 1986, I was 5 years old, living in one of the most impoverished part of Manila, less than 10 minutes away from Malacañang and 15 minutes away from EDSA and Ortigas (wala pa ata kasing gaanong traffic noon). I remember my parents coming home na may indelible ink sa hinlalaki pagkatapos bumoto. Feeling ko it was during the snap elections. Naaalala ko pa na Daddy used to collect a lot of Cory and Doy stickers na dinidikit niya sa ibabaw ng switch ng ilaw sa labas ng bahay. Leaders of the local informal settler's organization, both my parents rallied for the support of our neighbors para kay Cory at Doy. Sumasama sila sa mga civil disobedience na yan at mga talks ng mga opposition leader na ginaganap sa lugar namin. Unfortunately, kahit na ganun sila kaactive, both of them opted to stay home and monitor the situation sa radyo as the People Power Revolution of '86 happens. During that time nga, every 10 minutes ata, may choppers or tora-tora na dadaan sa ibabaw ng community namin. Kung naalala ko maigi, yung mga naka-dilaw na kapit-bahay namin na mga member ng Cory and Doy Fans Club, kasama ang tatay ko, ay nagsagawa ng street party na natapos 2 araw after the successful take-over ng mga tao ang Malacañang at naexile si Marcos. Pero yun nga lang, dalawang araw din atang nagchicheer ng "Cory! Cory! Cory!" ang mga nagstreet party sa amin.

A new government was put to power, Tita Cory was President and our new life started bilang isang family na meron ng sariling tahanan.

Hindi ko pa maintindihan ang kahalagahan ng lahat ng nangyayaring noon. Bata pa kasi ako. P2.50 pa lang ang 8oz na bote ng Coke, pero ngayon, 23 years after EDSA, alam ko na:

Alam ko na kung hindi dahil sa pangalang "Cory Aquino" at sa mga bagay na nagawa nito para sa buhay ko bilang isang batang nakatira sa bahay na nakatayo sa ibabaw ng sapa na 10 minutes away from Malacañang and 15 minutes away from EDSA, hindi ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon and you are one of the reasons why I am proud to be a Filipino.

Salamat Tita Cory. Paalam. Hindi ka namin malilimutan.





Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Wedding Dresses. Powered by Blogger